Wednesday, November 25, 2020

Ang Kasaysayan ng Catholic Faith Defender

 

Ang Kasaysayan ng Catholic Faith Defender

Ni Bro. Socrates Fernadez

Isinalin ni Bro. G-one Paisones





Ang Diyos ayon sa kanyang sariling pakay ay “kasali at kasama sa kasaysayan.” Itoy nakalilito sa isipan ng mga tao. Pero para sa ating may paniniwala at pananalig; tayo ay makapagsasabi na mabuti at mabait talaga ang Diyos sa sangkatauhan.

Sa mga may paniniwala; tayo ay dapat sumunod sa sinasabi ng Banal na kasulatan, Karunungan 8:8 “Nakakaalam siya sa mga himala na gawa ng Diyos at sa mga magaganap na pangyayari sa kasaysayan.”

Makabubuti kung ating ilalathala ang mga pangayayari sa pagsisimula ng Catholic Faith Defender:

Sa CEBU ..1935 napaka-aktibo ng mga Aglipayano (Aglipayo) sa kanilang mga gawain; masigasig silang nagtatag ng Pangkat (Organization) kasama na rito ang pagkasigasig nila sa pang-aataki sa mga Doctrina ng Katoliko; lalung-lalo na sa Santo Papa.

Masigasig rin ang mga misyonaryong Protestante na nanirahan mismo sa mga lugar tulad ng San Isidro Talisay, sa Banawa at sa mga karatig lugar. Sila ay nakikipagkaibigan, tumutulong sa mga materyal na pangangailangan ng tao at kasama na rin sa kanilang proseso ang mga pang-aalipusta at pang-aataki sa mga Doctrina ng Katoliko, lalung-lalo na kay Birhen Maria, Tradisyon ng mga Apostoles, Larawan at sa mga piyesta ng mga Santo.

1938 sa Parokya ng San Nicolas sa Cebu ; may mga relihiyosong mga layko na bihirang magkatagpo sa kumbento ng kanilang kaibigang pari; at pinag-uusapan nila ang mga pangungutya at mga pang-aataki ng ibang relihiyon sa Simbahang Katoliko. Ang pari ay magaling din sumagot sa mga tanong ng mga layko sa kanya… At ganadong-ganado si Fr. Undoy Reynes na sumasagot sa pamamagitan ng (Gamit) Biblia, at maigi nya itong ipinaliwanag sa mga nagtatanong. Si Fr. Reynes, ang ama ng taunang aklat ng Almanake (Isang libro patungkol sa isang gabay kung ano ang dapat o katangi-tanging ngalan sa bagong panganak base narin sa Taon,Araw at petsa na ipinanganak ang isang bata) noon.

Saglit na nagpakita si Mang Pedro Cabaluna, siya pala’y nag-aaral ng Biblia sa kanyang sariling sikap lamang. Sa kanyang kapanahunan, kilala Si Mang Pedro sa tawag na “The WALKING BIBLE”. Siya ay nakapagtatag ng isang grupo sa Parokya ng San. Nicolas na nag-dedepensa sa pananampalatayang (Doctrinang) Katoliko. Dahil sa kanyang pagtatanggol sa tunay na Iglesya siya ay nakatanggap ng parangal galing sa Santo Papa-ito ay ang “Pro Ecclesia et Pontifice.”

1946 pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig. Sa Parokya ng Virgen de la Regla, sa lungsod ng Lapu-lapu, lumitaw si Mang Mundo Reuma, galing Hilonggos Leyte; gumagawa ng Kandila sa Pari ng Opon (known as Lapu-lapu city). Mababa lang ang pinag-aralan pero napakatalino ng pag-iisip at kilala rin bilang isang Teologo ng mga laymen noon.

Siya’y Maraming alam tungkol sa Doctrina Catolica at sa Biblia, Kasama niya ang magkakapatid na Martin at Domingo Berido na pawang relihiyoso. Sila ay kilala bilang katulong o alalay kay Fr Gerald Trenekeins, MSC at sa iba pang nangungunang paring Redentorista sa Lapu-lapu City (Opon) sa pagpapaliwanag sa mga Doctrina ng Katoliko.. Pinupuntahan at nilalapitan sila ng mga layko, lalung-lalo na sa mga paghahanap ng sagot sa mga pang-aataki ng ibang relihiyon patungkol sa Doctrina Christiana. Sina Mang Mundo at mang Martin ay nakatanggap ng parangal galing sa Santo Papa.

1953 sa Santo Rosario Parish Church , may mga layko na naaaliw sa pag dedebate sa kumbento patungkol sa relihiyon. Ginabayan sila ni Mons . Esteban Montecillo na namatay sa gulang na 100. Pinagpalit-palit nila ang kanilang interpretasyon at karunungan patungkol sa Biblia, Ang mabait na Pari ay naaaliw sa pag dedebate ng kanyang mga layko; pero sa huli pinapakinggan pa rin nila ang paliwanag ng pari at ang interpretasyon nito sa Biblia. Naitatag ang “CATHOLIC FAITH DEFENDER.”

1963 Lumitaw si Atty. Mel Caumeran, hilig ang pagbabasa sa aklat ng Katoliko. Si Atty. Caumeran ay nakipaglaban(Debate) at nakipag-dialogue sa Freedom Park of Cebu. Nakasama nya ang mga Catholic Faith Defenders sina Bro. Arsenio Caburnay, Bro. Catalino Cuizon, Bros. Vicente ug Andres Diana, Bro Melquiades Andales ug Bro. Alfonso Resuento.


Bro. Soc Fernandez, during our CFD National Convention in Tagbilaran City

Sa kapanahunan ni Julio Cardinal Rosales naiparehistro ang Catholic Faith Defender sa Securities and Exchange Commission (SEC). Galing na-indoctrinal sa Seventh-day Adventist si Bro. Socrates Fernandez ay sumali sa Catholic Faith Defender. At pumasok sa Seminaryo, naka-abot ng teologia at saka ibinigay ang kanyang Buhay sa Catholic Faith Defender. Sumama sa mga religious rally sa ibat-ibang lugar sa Visayas at Mindanao . Sumali sina Bro. Dionie Buanhug, si Bro. Jose Tumarong ug Bro. Ramon Gitamundoc. Gumawa sila ng mga module at mga babasahin (at aklat) ng Catholic Faith Defender. Na-reporma nila ang mga batas nito, lalung-lalo na sa PAG-TUTURO at saka na ang pag de-DEBATE.

Ang KALIGTASAN sa pamamagitan ng tamang landas ng pamumuhay sa katotohanan at sa pagtutulungan ng bawat isa (tutulong sa lahat ng tao) at sa parating pagtanggap ng mga Sakramento ay s’yang pinapahalagahan ng Catholic Faith Defenders.

Unti-unting pumupukaw sa mga kayamanang pang-espiritwal para mga Catholic Faith Defenders na sila ay kasali at kasabay sa pagpaplano ng Diyos sa paghahatid ng maganda at makatotohanang mensahe ng Diyos, sa pagdedepensa nito at sa pagsunod parati sa mga Pari, Obispo at lalung-lalo na sa Santo Papa.

No comments:

Post a Comment