Friday, December 11, 2020

RELASYON LANG BA KAY JESUS ANG KAILANGAN NG TAO AT HINDI NA ANG RELIGION?

 

RELASYON LANG BA KAY JESUS ANG KAILANGAN NG TAO AT HINDI NA ANG RELIGION?



____________________________________________________
I. PANIMULANG SALITA
Madalas nating marinig mula sa mga kaibigan nating Protestante na relasyon lamang sa ating Panginoong Jesu-Cristo ang kailangan ng tao at hindi na ang relihiyon sapagkat sa relihiyon daw ay nagkakaroon ng pagkakabaha-bahagi ang tao. Kumbaga, pinapawalang-halaga ng mga taong 'to ang relihiyon. Subalit, papaano kaya sila magkakaroon ng tunay na kaugnayan o relasyon sa ating Panginoong Jesu-Cristo kung sila ay wala sa tunay na Iglesia?
"Ito ay isang dakilang hiwaga na aking inihahayag tungkol sa KAUGNAYAN NI CRISTO SA IGLESYA." [Efe. 5:32, MB]
Kung tutuusin, kung totoo man ang sinasabi nila na ang kailangan ng tao ay relasyon sa ating Panginoong Jesu-Cristo ay dapat hindi na lamang sila umalis sa ating Simbahan sapagkat kahit naman sila'y mga Katoliko ay maaari silang magkaroon ng relasyon kay Cristo. Opo, tama po ang inyong nabasa. Ang kahulugan kasi ng relihiyon ay pakikipagrelasyon sa Dios:
"RELIGION --- a RELATIONSHIP OF DEVOTION or fear of God." [Holman Concise Bible Dictionary, p. 526]
Hindi sapat na faith lang at hindi na kailangan ng good works. Good works is necessary pa rin:
"RELIGION --- In general, it refers to any system of FAITH AND WORSHIP". [The New Unger's Bible Dictionary]
At kung totoo man ang kanilang nike-claim na argumento, bakit kaya si Apostol San Pablo ay may relihiyon?
"Hindi maikakaila na napakadakila ng hiwaga ng ATING RELIHIYON: Siya'y nahayag nang maging tao, pinatunayang matuwid ng Espiritu, at nakita ng mga anghel. Ipinangaral sa mga Hentil, pinaniwalaan ng lahat, at itinaas sa kalangitan." [1 Tim. 3:16 MB]
Ang salitang "relihiyon" sa talata ay kinuha mula sa depinisyon ng Griyegong salita na "eusebeia". Ayon sa The Complete Word Study Bible Dictionary, p. 683, ang "eusebeia" ay nangangahulugang:
"2150 εὐσεβείας eusebeia; gen. eusebeias, fem. noun from eusebeia (2152). . . . Godliness or the WHOLE TRUE RELIGION."
Sa pahina 1161 naman ng Mounce's Expository Dictionary of Old and New Testament Words, ang "eusebeia" ay nangangahulugan na "THE CHRISTIAN RELIGION. 1 TIM. 3:16."
Sa ating gagawing pagtalakay sa maikling artikulo na ito ay aalamin natin kung sino nga ba ang tunay na "born again" at kung bakit mahalaga ang pag-anib sa tunay na "religion".


____________________________________________________
II. PAGTALAKAY/PAGLALAHAD
Maraming nagke-claim na mga kaibigan nating Protestante na sila raw ay "born again" simula nang tanggapin nila si Cristo bilang "personal Lord and Saviour". Ngunit, kung ating susuriin ang claim na ito, makikita natin na ito ay taliwas sa kung anong sinasabi ng Bibliya:
"And said unto the woman, Now we believe, not because of thy saying: for we have heard him ourselves, and know that this is indeed the CHRIST, THE SAVIOR OF THE WORLD." (John 4:42)
"Ito ang salitang kanyang ipinadala sa mga anak ni Israel, na ipinangangaral ang Magandang Balita ng kapayapaan sa pamamagitan ni JESU-CRISTO. SIYA ANG PANGINOON NG LAHAT." [Acts 10:36]
Malinaw na ipinapahayag sa atin ng Biblia na si Cristo ay Tagapagligtas at Panginoon ng lahat ng tao, hindi ng individual na tao lamang. Lumilitaw na nililimitahan ng mga sektang Protestante ang papel ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa sanglibutan [Jn. 3:16].
Ang tunay na "born again" ay ang tunay na Iglesia na may tunay ring kaugnayan sa ating Panginoong Jesu-Cristo, at ang Iglesiang ito ay may awtoridad na galing sa Kaniya [cf. Efe. 5:32; Mat. 18:18]. Ang Iglesiang ito'y walang iba kundi ang Iglesia Katolika Apostolika Romana na pinatutunayan hindi lamang ng Banal na Kasulatan kundi maging ng mga aklat pangkasaysayan [Mat. 16:18]. Kaya, kung ang tao ay magpabinyag sa ating Simbahan, siya na ngayo'y tunay na ipinanganak na mag-uli. Hindi kasi valid ang bautismo ng mga ibang sekta sapagkat hindi naman sila nakaugnay sa mga Apostol na binigyan ng karapatan na magbautismo [Mat. 28:19-20].
____________________________________________________


III. CONCLUSION
Dahil sa pagiging "valid" ng binyag sa ating Simbahan, mahalaga maunawaan ng bawat isa sa atin na ang pagiging "born again" [Juan. 3:3] ay sa pamamagitan ng binyag at hindi sa pagpasok sa sektang mahilig sa rock concert tuwing Linggo na pinapangasiwaan ng pastor na hayok sa ikapu. Ang sakramento ng binyag ay ang "pagbabagong lahi" [Mat. 19:28] dahil ayon sa Biblia, hindi maliligtas ang sinumang nagpapaalipin sa kasalanan [Rom. 8:20-21, Rom. 5:12, 1 Cor. 15:50]. Upang maisagawa ang pagpatay sa kasalanan, kinakailangan na ang isang tao ay maipanganak na mag-uli sa Espiritu sa pamamagitan ng salita ng Dios [Juan 1:13, 1 Ped. 1:23] at maipanganak na mag-uli sa tubig sa pamamagitan ng binyag:
"he saved us, not because of any works of righteousness that we had done, but according to his mercy, through the WATER OF REBIRTH AND RENEWAL OF THE HOLY SPIRIT." [Tit. 3:5].
Kaya, kung tayo man ay kanilang tanungin kung tayong mga Katoliko ay ipinanganak na mag-uli o na-born again na, ang isagot natin ay I HAVE BEEN BORN AGAIN, SINCE I WAS BAPTIZED IN THE CATHOLIC CHURCH".


Therefore, CATHOLICS are the true born again Christians, not the claimant Protestant sects.
____________________________________________________

No comments:

Post a Comment